i know this entry will resonate with only about 3 people reading this blog, but i’m posting it anyway because it had me laughing in stitches as it brought me back to memory lane. i’m convinced some of these explain why i am the way i am.

Taga-UPLB ka kung…

Kung marami na kayong hindi alam, tiyak na old uplb alumni na kayo! So, dalawin ang inyong alma mater sa centennial-foundation day festivities at sariwain ang masasayang kahapon.

1. Kilala mo si Mang Pogs.
2. Nalilito ka kung saan nakalagay ang banga ni Mariang Banga.
3. Tubig na lang ang tingin mo sa gin.
4. Ginamit mong reviewer ang mga old exams para sa mga midterms, prefi at finals sa bio, math, stat, chem, physics, eco etc.
5. Hindi ka sumasagot ng UP (yupeee) kapag tinanong ka kung saan ka graduate. Sagot mo, Elbi. (me: weird, but to this day, this is what i say when people ask.)
6. Taga-elbi ka kapag kilala mo yung professor na nagbi-bike ng naka-barong na kupas. (Si climax! kalahating albert einstein, kalhating mang pandoy)
7. Ok lang pumasok sa mga klase kahit naka pambahay/pantulog attire ka.
8. Pag nagtanong si manong driver ng “may animal ba dyan?”, at may sumagot ng “meron po” ay di ka natatawa.
9. Pag nagtanong uli si manong driver ng “may mens ba dyan?”, at may sumagot uli ng “meron po” ay di ka natatawa.
10. Di ka nahihiyang magbitbit ng malaking payong.
11. Taga-elbi ka kung pagkatapos mong magbakasakali kay Mang Pogs, diretso ka na kay Mr. Midnight.
12. Bumibili ka ng blue book sa Coop.
13. Alam mong hindi pwedeng ibato ang Batong Malaki.
14. Nung pinanood mo ang movie ni Aga at Regine na shot at Elbi (sa may Gaygay Gowns) at nagtawag ng taxi si regine e nagtawanan kayo ng mga taga-LB at clueless ang iba.
15. Alam mo kung nasaan ang White House.
16. May tanline ka ng tsinelas.
17. Alam mong mas masarap ang pancit canton na niluto sa ‘heater cup’
18. Sanay ka maglakad.
19. Thursday night ang gimik night mo.
20. Alam mo na ang pinakamalaking banyo ay ang Ellen’s Fried Chicken, at Sizzler’s ang tinitingalang kainan.
21. Kilala mo sina Saniano Boy at Saniano Girl.
22. Alam mo kung nasaan ang “Johnson”.
23. Alam mo ang kaibahan ng dalawang Flatrocks.
24. Kaya mong pumasok ng hindi naliligo.
25. Alam mong si Carasus at Pegabao ay iisa.
26. Alam mong okey lang na pumunta sa Maahas.
27. Tumatambay ka sa APEC para mag inom.
28. Alam mo kung nasaan ang Fertility Tree, Kwek Kwek Tower, at ang Templo ni Bruce Lee.
29. Tuloy ang klase kahit signal number 3 na.
30. Alam mo kung saan ang pilahan ng jeep papuntang IRRI, Forestry, o kaya ay Jamboree…
31. Hindi ka kumakain ng buko pie.
32. Alam mo na bago pa man nauso ang unli rice sa Tokyo Tokyo, marketing strategy na ito ng Salad Country.
33. Hinahanap-hanap mo ang chocolate cake sa Mer-Nel’s.
34. Alam mong bawal tumawid sa UPLB Gate (main), mula Guard House papuntang harap ng Carabao Park…
35. Alam mong may oras lang na pwede kumain sa IRRI pag di ka IRRI employee.

see the entire checklist from what’s up, losbaños?.

If you're new here, you may want to subscribe to my RSS feed. Thanks for visiting!